Babaeng foreigner sa Boracay, nabiktima ng snatcher

50

Manila, Philippines – Nabiktima ng snatcher ang isang babaeng foreigner habang naglalakad sa isla ng Boracay. 

 

Kinilala ang biktimang si Greta Molensky, 22-anyos, German national at nagbabakasyun sa isla. 

 

Sa ulat, naglalakad siya nang biglang may dumaan na tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo at biglang hinablot ang kanyang clutch bag na naglalaman ng 1,000 pesos at susi ng tinutuluyan niyang hotel. 

 

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyun ng Boracay PNP sa insidente.


Facebook Comments