Babaeng madalas mambudol sa isang mall sa Maynila, arestado!

Kulong ngayon ang isang babae na madalas nambubudol sa isang mall sa Maynila.

Kinilala ang naarestong suspek na si Susan Gorospe, 40-anyos na nasa kustodiya na ng Ermita Police.

Ayon kay Bocobo Police Community Precinct Commander Police Major Anthony Coyle Olgado, madalas na naglalagi ang suspek sa mall at doon niya pinipili ang mga nagiging biktima.


Kapag aniya nakuha na ang loob ng biktima ay uutusan niya ito na pumasok sa CR, magpapalit ng bag at iiwanan na ang biktima.

Samantala, inaalam naman ngayon ng pulisya kung kasamahan o may kaugnayan si Gorospe isa pa nilang naarestong sangkot sa budol-budol noong nakaraang linggo.

Facebook Comments