
Personal na hinarap ni Mayor Wes Gatchalian ang isang babae na nahuli matapos maaktuhan na nagbebenta umano ng mga pekeng government ID sa Brgy. Gen. T. De Leon.
Ang suspek na hindi pa pinanganalan ay nakuhanan ng walong pekeng PWDs ID at dalawang pekeng driver’s license.
Nasakote ang ginang sa ikinasang operasyon ng Valenzuela City Police Station.
Nahaharap ang suspek sa kasong falsification by private individuals and use of falsified documents in relation to the Cybercrime Prevention Act, o paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code.
Muling nagpapaalala ang alkalde na bawal ang mga manloloko sa Valenzuela city at titiyakin niya na mananagot ang lahat ng magtatangkang lumabag sa nasabing batas.
Facebook Comments