Babaeng nagpanggap na LTO fixer, arestado sa Quezon City

158

Manila, Philippines – Timbog sa isang entrapment operation ang isang babae matapos magpanggap na tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Imelda Santos.

Kwento ng suspek – mula nang mamatay ang kaniyang asawa, siya na lamang mag-isa na bumubuhay sa kanyang mga anak.


Para aniya kumita, pinasok niya ang raket sa pag-e-estafa.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Edgardo Salilican, taxi driver – nangako sa kanya ang suspek na ire-renew ang prangkisa ng kanyang taxi.

Umabot na sa higit 30,000 pesos ang kanyang naibayad pero wala pa ring nangyayari.



Sasampahan ng kasong estafa ang suspek.

Facebook Comments