Babaeng nakahubo na nag-viral sa video greeting ni Cesar Montano noon, nagpakilala na

1049

Nagpakilala na ang babae sa viral video greeting noon ng aktor na si Cesar Montano.

Sa Facebook account nitong September 26, inilabas ni Dolly Anne Carvajal ang video message sa kanya ni Cesar para sa kanyang kaarawan.

Pagbati ni Cesar kay Dolly sa video, huwag nitong kalilimutan na mayroong “Buboy”, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal sa kaniyang safety at good health.

Sabay biro nito sa kaniyang likuran kung saan naroon ang isang babae na nakasuot na ng damit hindi tulad ng una nang nag-viral na video.

Ayon sa ulat, Maria Socorro ang pangalan ng babaeng kasama ni Cesar.

Matatandaang noong September 2018 nang tuluyan ng ipinawalang-bisa ng korte ang kasal ni Cesar sa aktres na si Sunshine Cruz kung saan mayroon silang tatlong anak na babae.

Facebook Comments