Babaeng nasa drugs watch list, pinagbabaril ng riding in tandem sa San Mateo, Rizal

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng riding in tandem Sa San Mateo, Rizal.

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad ang biktimang si Teresita Ocampo kung saan kahahatid lamang niya sa eskwelahan ang kanyang anak.

Ilang sandali, biglang nagsitakbuhan ang mga residenteng nasa kalye nang mabaril ang biktima ng dalawang lalaking naka-motorsiklo.


Ayon kay San Mateo PNP investigator, SPO3 Wilmer Privado – siniguro pa ng mga suspek na patay na ang biktima bago sila tumakas.

Narekober sa biktima ang isang pouch na naglalaman ng siyam na plastik ng hinihinalang shabu at cash na galing sa pagbebenta nito sa droga.

May dati na ring kaso sa droga ang biktima matapos mahuli noong 2013.

Facebook Comments