Babaeng Natagpuang Patay sa San Fernando, CamSur, May Picture Na, Pulisya, Nagpapatulong para Malaman ang Identity ng Biktima.

Update po sa babaeng patay na natagpuan kaninang umaga sa tabi ng Maharlika High-Way sa Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur.
Bandang alas 8 ng umaga, kasama ang mga elemento ng pulisya at tauhan ng St. Peter Funeral Home Brgy. Buena Vista, San Fernando, Camarines Sur.
Sa pahayag ni PSI Dino Ben Regaspi, COP ng San Fernando Police Station, hindi pa rin alam sa mga sandaling isinusulat ang balitang ito ang identity ng biktima. Idinagdag din ni PO1 Nestor Adriatico, may tama o pasa-pasa sa mukha ang biktima at may dalawang tila saksak sa dibdib na bahagi ng kanyang katawan.
Inilalathala natin dito ang larawan ng biktima sa pakay na matulungan ang pulisya na ma-establish ang identity ng nasabing babae.
Kung may impormasyon po tayo sa identity ng nasabing biktima, maaring ipagbigay alam sa himpilan ng San Fernando Municipal Police Station.
Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nasa St. Peter’s Funeral Home sa Brgy. Buena Vista, tabi lamang ng Maharlika High-Way sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.
Walang anumang item, wallet, identificqtion card, o anumang document na makapag-establish sa identity ng biktima. Kaya nananawagan ang pulisya na tulungan sila para malaman kung sino at taga-saan siya.
Maraming salamat sa mga concerned citizens na unang nagpaabot ng impormasyon alas 6 ng umaga sa himpilan ng RMN Naga DWNX. Salamat din po sa bukas at mabuting pakikitungo sa mga reporter ng mga kawani ng San Fernando Police sa pangunguna ni Chief of Police PSI Dino Ben Regaspi.
photo: koypare

Facebook Comments