Babaeng No. 1 Most Wanted Person sa Makati, arestado

74

Nalambat ng mga otoridad ang babaeng Number 1 Most Wanted Person ng Makati City para 4th quarter ng 2020.

Nakilala ang suspek na si Fatima Ortiz Nacario, 29-anyos, residente ng Brgy. East Rembo at may kasong Murder.


Naaresto ang suspek sa bahagi ng Moonwalk Anex Talon Uni, Las Piñas City, pasado alas-3:45 ng hapon kahapon matapos mapag-alaman ng Makati Police ang kinaroroonan ng suspek.

Si Judge Hinorio Guanlao Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58 ang nag-isyu ng warrant of arrest laban sa suspek at wala itong kaukulang piyansa.

Facebook Comments