Babaeng OFW mula Thailand na may standing warrant, hinarang ng BI sa NAIA

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na mula Bangkok, Thailand.

Ayon sa Immigration Bureau, ang pagharang sa pasahero ay may koneksyon matapos makita sa kanilang system na may standing warrant ang naturang pasahero.

Ang pag-aresto sa Pinay ay base sa arrest warrant na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) noong 2021 dahil sa kasong falsification of public documents.

Nagtakda rin ang korte ng ₱36,000 bilang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng naturang OFW.

Una nang nakipag-ugnayan ang immigration sa PNP Aviation Security Group at MPD para ipatupad ang pagsisilbi ng warrant of arrest.

Facebook Comments