Babaeng opisyal ng bangko, kalaboso dahil sa pagnanakaw

558

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang babaeng opisyal ng bangko dahil sa pagnanakaw.

Kinilala ang suspek na si Mariebel Osorio, 41 anyos, cash unit head ng Union Bank of the Philippines Ortigas Pasig City Branch.

Ayon kay Police Senior Supt. Orlando Yebra, chief of police ng Pasig, naaresto ang suspek sa Barangay San Antonio, Pasig City.


Nabatid na nagsagawa ng unauthorized cash transfer ang suspek ng 17 million pesos mula sa Ortigas cash center patungong Caloocan cash center para i-cover ang kanyang ninakaw na pera.

Pero, nadiskubre ito ni Vincent Paul Castillo, cash services group head ng Union Bank of the Philippines dahilan para humingi ito ng tulong sa mga pulis at ipaaresto ang suspek.

Nakatakdang kasuhan ng qualified theft ang suspek ngayong araw sa piskalya.



Facebook Comments