Babaeng pulis na sangkot sa indiscriminate firing sa Malabon, madi-dismiss sa serbisyo – PNP

472

Masisibak na sa police service ang babaeng pulis na sangkot sa indiscriminate firing sa Malabon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, mayroon silang matibay na kaso laban kay Police Staff Sergeant Karen Borromeo.


Inatasan na niya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na maghain ng administrative case laban kay Borromeo para sa kanyang immediate dismissal mula sa serbisyo.

Sa datos ng PNP, nasa 19 na indibiduwal ang inaresto dahil sa indiscriminate firing mula December 16, 2020 hanggang January 3, 2021.

Facebook Comments