Babaeng vendor sa Maynila, nahulihan ng ilegal na droga

47

Arestado ang isang babaeng vendor sa Sampaloc, Manila matapos mahulihan ng ilegal na droga.

Kinilala ang suspek na si Rose Sedantes, 37-anyos.


Unang nagsagawa ang Barangay 417 ng Anti-Criminality Operation na nauwi sa pagkaka-aresto sa suspek.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pagtutulak ng droga ng suspek.

Nabawi sa kaniya ang shabu na nagkakahalaga ng 3,400 pesos.

Nakatakda siyang sampahan ng kasong illegal possession of dangerous drugs.




Facebook Comments