BABALA | DOH, nagbabala sa publiko sa sakit na leptospirosis ngayong tag-ulan

37

Manila, Philippines – Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa sakit na leptospirosis na kadalasang nakukuha sa tubig-baha.

Payo ng DOH, huwag sumuong sa baha na walang proteksyon tulad ng bota at guwantes para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Ang leptospirosis ay galing sa leptospira bacteria na galing sa ihi ng hayop partikular sa daga.

Kadalasang sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata, nanlalamig, pananakit ng ulo at paninilaw ng balat.

Base sa datos ng DOH, nasa 725 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa mula Enero hanggang Marso 31, 2018.

Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa western Visayas na may 180.

Facebook Comments