BABALA | FDA, nagbabala kontra hindi rehistradong plastic bandage

38

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng healthcare professionals, establishment at publiko laban sa pagbili at paggamit ng medical device product na Curad Plastic Bandage.

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang Curad Plastic Bandage ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificates of Product Registration (CPR).

Gayundin, dahil ang mga hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga nito.

Ang nasabing mga iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Facebook Comments