BABALA | Hindi rehistradong pregnancy test kit, ibinabala ng FDA

34

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at lahat ng medical professional hinggil sa pagbili at paggamit ng unregistered medical sure-guard pregnancy test kit.

Napatunayan sa ginawang Post-Marketing Surveillance (PMS) activities ng FDA na ang nabanggit na medical device product ay nag-expire na ang Certificate of Product Registration (CPR) at walang pending application para sa renewal.

Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at law enforcement agencies na tiyaking ang produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments