BABALA | Kumpanyang lumilinya sa network scheme, ibinabala ng SEC

37

Manila, Philippines – Isang kompanya na lumilinya sa Network Scheme ang ibinabala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko.

Ayon sa SEC – bagama’t rehistrado sa kanila ang Building Our Success Stories (BOSS) Network Inc., wala naman itong lisensya para magsagawa ng pamumuhunan.

Nakarehistro lang ang boss para direktang magbenta ng mga produkto.

Pero base sa natanggap nilang impormasyon, nanghihikayat ng miyembro ang boss network sa pamamagitan ng mga pakete na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P382, 500 bawat isa.

Ayon sa SEC, kailangang kumuha muna ito ng karagdagang lisensya bago payagang mag-alok, mangalap, magbenta o mamahagi ng investment and securities.

Facebook Comments