BABALA | Mga magdi-date para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day bukas, pinag-iingat sa mga modus

39

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine National Police ang mga couples o mga mag-asawa o magkasintahan na magdi-date bukas sa mga modus operandi ng mga kriminal.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, bukas aasahan nila ang pagdagsa ng mga magdi-date sa malls, amusement parks, restaurants at iba pang lugar.

Kaya naman magiging masigla rin ang mga noturyos indibidwal at grupo sa kanilang mga modus operandi katulad ng credit card scam o baraha gang, bukas kotse modus, ipit-taxi modus, laslas bag/pocket gang, pitas tactics, at salisi modus.

Paalala rin ng PNP sa mga couples at daters na huwag magpo-post nang anumang plano o mga gagawin para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa social media upang hindi maging biktima ng akyat bahay gang.

Sakali namang makakita ng kahinahinalang bagay o tao dapat aniyang ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na police station upang mabigyan ng aksyon

Kaugnay nito palalakasin naman ng PNP ang kanilang presensya sa mga pampublikong lugar bukas kasabay rin ng pagdiriwang ng Ash Wednesday ng mga Katoliko.

Facebook Comments