BABALA | Mga Pinoy pinag-iingat ng FDA laban sa ilang Korean food products

86

Inaabisuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng ilang hindi rehistradong Korean food products.

Kabilang na dito ang mga ss:
Dong Won Mineral Water
(In Foreign Language) Steamed Potato Stick
(In Foreign Language) Peanut Cookies
(In Foreign Language) Chocolate Coated Cookies
Chan Green Tea Seasoned Laver

Lumabas sa FDA post-marketing surveillance na ang mga nabanggit na food products ay hindi dumaan sa tinatawag na registration process at nabatid na walang Certificate of Product Registration na tahasang paglabag sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009”.

Ayon sa ahensya ang paggawa, importasyon, exportation, pagtitinda o kahit promotion ng mga nabanggit na food products ay mahigpit na ipinagbabawal.

Paliwanag pa ng FDA dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang kakain nito.

Facebook Comments