Babala ng Comelec sa mga politiko, wag umepal sa bentahan ng ₱20 per kilong bigas

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na huwag samantalahin o umepal sa pagbeventa ng bente pesos na bigas sa Visayas.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, suportado nila ang programang ito ng Department of Agriculture (DA).

Magkakaroon lang ng problema kung may mga ‘epalitikong’ makikita sa bentahan ng murang bigas.

Maaari kasi aniya itong ituring bilang vote buying.

Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang DA sa lokal na pamahalaan ng Cebu upang maibenta ang mas abot kayang halaga ng bigas.

Facebook Comments