BABALIK NA | Kris Aquino, balik trabaho na matapos lokohin ng kaniyang kasosyo

Manila, Philippines – Naghahanda na raw sa pagbabalik trabaho ang TV host actress na si Kris Aquino.

Ito ay sa kabila ng pinagdadaanan ni Krissy matapos lokohin ng kaniyang kasosyo sa negosyo.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Kris ang ilang litrato ng kanyang medical check-up sa Singapore.


Pinayuhan raw siya ng doktor na maging positibo sa buhay.

Nakiusap rin si Kris na huwag nang pangalanan ng netizens kung sino ang hinihinala nilang nanloko sa kanya sa isyung pera.

Facebook Comments