BABUYAN SA LABRADOR NA PERWISYO UMANO SA MGA RESIDENTE, IPINASARA NA

Tuluyan ng ipinasara ng lokal na Pamahalaan ng labrador ang Isang babuyan sa Brgy. Bongalon matapos ang sunod-sunod an reklamo ng mga residente sa lugar Dahil sa perwisyong dulot nito sa kanilang kalusugan.

Sa inilabas na Executive Order No. 5, s. 2025, ipinag-utos ng LGU ang pagpapatigil ng operasyon ng babuyan dahil sa mga paglabag sa polusyon at iligal na pagbubukas ng negosyo.

Ang nasabing hog farm ay tumanggap ng Notice of Violation mula sa Environmental Management Bureau (EMB) ngunit binalewala lamang.

Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan, na itigil ang operasyon upang maprotektahan ang kalikasan at kalusugan ng mga residente.

Humingi naman ng paumanhin ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang residente at tiniyak ang kanilang patuloy na hakbang para sa malinis at maayos na kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments