Baby nakitang inabandona sa Surigao City

Baby nakitang inabandona sa Surigao City. Isang baby boy, mga 1 hanggang 2 buwan pa lamang ang nakitang inabandona sa may Vasquez-Narciso St.,Surigao City. Ayon kay Myrna Destajo, ang namumuno ng City Social Welfare Office dinala na sa Crisis Center ang nakitang bata para doon temporaryo na aalagaan. Diumano’y ang suot lamang nito ang baby’s clothes at baby’s bottle ang nakita sa paligid nang inabandona ang bata sa may poste sa itinatayong building. Tinukoy nitong nakatakda silang magsagawa ng imbestigasyon sa pag-trace kung sinong posibleng magulang at pamilya. Matapos ang isang buwan kung walang mag-claim sa bata, diretso itong isailalim sa adoption proceedings.

Facebook Comments