BABY NO. 2 | John Prats at Isabel Oli, magkakaroon na ulit ng baby

Manila, Philippines – Magkakaroon na ng second baby sina John Prats at Isabel Oli.

Ito ang inanunsyo ng celebrity couple sa kanilang Instagram sa pamamagitan ng teaser ng ginawa nilang gender reveal.

Ginawa nila ang surprise gender reveal party kasabay ng Father’s Day dinner nila noong June 17.


Sa huling bahagi ng teaser, makikita ang saya at excitement ng kanilang mga pamilya nang i-reveal nila ang gender ni baby number 2.

Pero say ng mag-asawa, abangan na lang daw ng kanilang mga fans ang gender ng kanilang baby sa ilalabas nilang full video nito sa youtube.

Facebook Comments