Baby number 3 nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, isinilang na

103

Baby number 3 has arrived!

Isang healthy at cute na baby boy ang isinilang ng aktres na si Andi Eigenmann ngayong araw, Enero 18, 2021.


Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang kanilang first photo kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Andi kay Philmar sa suportang ibinigay nito sa kanya mula sa pagbubuntis hanggang sa mismong araw ng panganganak nito.

Hindi naman napigilan ng lola na si Jaclyn Jose ang excitement kaya’t nauna na ito sa pag-congratulate at pag-welcome sa pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

Facebook Comments