Back-to-back vaccine express ni VP Leni, umarangkada sa Pampanga at Cagayan de Oro City

103

Habang abala ang iba sa pangangampanya para sa 2022 elections, tuloy-tuloy naman ang pagtugon sa pandemya ni Vice President Leni Robredo.

Noong Biyernes at Sabado, back-to-back na vaccine express ang isinagawa ng OVP sa Pampanga at Cagaya de Oro na parehong dinaluhan ni VP Leni.

Noong Biyernes nang mabakunahan ng second dose ang mga residente sa San Fernando, Pampanga na nasa A4 Priority Group.


Sabado naman nang mabakunahan ang mga ‘tri-sikad drivers’ sa Misamis Oriental.

Kasabay nito, namigay rin si VP Leni ng mga intensibo sa mga nagpabakuna tulad ng post-vaccination care kit, food packs at iba pang medical supplies.

Facebook Comments