Naibigay na sa mga miyembro ng Tricycle Owners and Drivers Association o TODA ang mga plaka na hindi pa naibigay ng Land Transportation Office Region 1 simula 2015.
Pinangunahan ng mga extension offices ng tanggapan sa Naguilian, La Union at Bayambang, Pangasinan ang pamamahagi na layong mapunan ang naitalang agwat sa loob ng sampung taon.
Planong isagawa sa buong rehiyon ang plate distribution upang matiyak na may kaukulang plaka ang mga pampublikong sasakyan na bumabyahe sa buong rehiyon.
Noong 2023, nagbigay katiyakan ang tanggapan na hindi na muling magkakaroon ng backlogs sa distribusyon ng plaka sa buong rehiyon.
Hinihikayat ng tanggapan na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ang mga motorista para mapabilis ang release ng plaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨