Backup files ng 2022 national at local elections, tuluyan nang binura ng COMELEC

41

Binura na ng Commission on Elections (COMELEC) ang backup files na ginamit sa nakalipas na halalan.

Isinagawa ang proseso sa bodega ng COMELEC sa Santa Rose, Laguna kung saan nakatago ang tatlong portable drive ng backup files.

Laman ng backup files ang serialized ballot at ang SQL dump files na naglalaman ng projects of precincts, impormasyon ng mga kandidato, reference files at ang mga nagre-request ng reprint ballots.


Live sa online streaming ang proseso at makikita ang pagkuha ng mga portable mula sa storage area nito at ang pagbura ng mga data gamit ang system ng Smartmatic.

Sinaksihan din ng partido-politikal at citizen’s arm groups ang pagbura ng backup files.

Nauna nang binura ng COMELEC ang automated election system servers at network infrastructure nito sa kanilang data centers gayundin ang ballot face database mula sa mga server ng National Printing Office.



Facebook Comments