Baclaran area, muling nilinis ng MMDA

Nagsagawa ang Team Alpha at Bravo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng sidewalk clearing operation sa Rotonda EDSA,Taft avenue sa Pasay City, papunta sa area ng Baclaran sa ParaƱaque.

Magkasasama sa operation ang mga tauhan ng Metro Parkways Clearing Group at Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA at mga tauhan ng PNP.

Gaya ng dati, pulasan ang mga vendor tulak ang kanilang mga rolling stores o kariton sa mga eskinita upang takasan ang clearing operations group ng MMDA.


Kinumpiska din ng MMDA ang mga folding bed ng mga vendor, na inabutan natutulog sa mga bangketa, tinikitan ang mga driver ng motorsiklo dahil walang suot na helmet at inimpound ang mga illegal parked na mga motorsiklo.

Habang yung mga stalls at paninda na tumatabon na sa hagdan ng Baclaran LRT station ay pinagbabaklas at pinagkukumpiska ng MMDA.

Facebook Comments