Bacolod chief of police at 4 na iba pa, sinibak

1344

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Bacolod City Police at apat na iba pa dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa statement mula sa Malacañang, ‘relieved and dismissed from service’ si Senior Superintendent Francis Ebreo, maging ang apat na iba pang police officials.

Kinilala ang mga ito na sina Superintendent Allan Macapagal, Superintendent Richie Yatar, Superintendent Naruddin Tayuan at Senior Superintendent Victor Paulino.

Sinabi ng Pangulo na ang mga naturang pulis ay may pinoprotektahang sindikato sa siyudad.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang mga sinibak na police officer na mag-report sa kanya sa Palasyo mamayang hapon.

Si Ebreo ay papalitan ni Senior Superintendent Henry Binas bilang officer-in-charge ng Bacolod City police.

Facebook Comments