Bacoor City, kumpirmadong may local cases na ng Delta variant; siyam na miyembro ng pamilya ng isa sa Delta carrier, nagpositibo sa COVID-19

40

Kinumpirma ni Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado na may local cases na ng Delta variant sa kanilang lungsod.

Ito ay matapos na matuklasan na walang travel history at hindi rin nakasalamuha ng isang returning overseas Filipino ang dalawang nagpositibo at kapwa recovered na sa Delta variant sa Bacoor.


Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma rin ng alkalde na siyam sa miyembro ng pamilya ng Delta variant carrier sa Addas 2-C village sa Barangay Molino II ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang isinagawa nilang mass testing.

Habang nagpositibo naman sa COVID-19 ang 12-katao na nakasalamuha ng isa pang Delta variant carrier sa El Grande Subdivision sa Barangay Molino VI.

Bunsod nito, sinabi ni Mercado na extended ang umiiral na granular lockdown sa dalawang subdivision hanggang August 9.

Facebook Comments