Bagama’t hindi miyembro ng PDP-Laban, posibleng pagtakbo ni Mayor Sara bilang pangulo suportado ng Partido

466

Tiniyak ng Partido Demokratiko Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang suportang ibibigay kay Davao City Mayor Sara Duterte sa oras na magdesisyon na itong tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas para sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary at PDP-Laban member Karlo Nograles sa kabila ng pagtanggi ni Mayor Sara na lumahok sa PDP-Laban na binuo ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ayon dito mananatili siya sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ng Davao Region at Hugpong sa Tawong Lungsod (HTL) ng Davao City


Paliwanag ni Nograles, mahalagang tao si Mayor Sara dahil anak ito ng pangulo kaya natural lang ang suportang ibibigay nila rito.

Habang giit pa nito, hindi basehan kung miyembro ng PDP-Laban ang isang politiko, dahil ang suporta ng buong partido ay itinuturing nang sapat.

Sa ngayon, mas palalakasin pa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang kanilang alyansa para sa nalalapit na 2022 national election.

Facebook Comments