Bagong Associate Justice ng Korte Suprema, nanumpa na sa kaniyang tungkulin

44

Pormal nang nanumpa sa kaniyang tungkulin ang bagong Associate Justice ng Korte Suprema na si Japar Dimaampao.

Si Dimaampao ang ika-191 na Associate Justice ng Supreme Court.


Ito rin ang ikalawang mahistradong muslim na manunungkulan sa kataas-taasang hukuman sa loob ng 34 na taon o hanggang 2033.

Pupunan ni Dimaampao ang nabakanteng pwesto ni Justice Alexander Gesmundo, na naitalaga bilang Chief Justice noong Abril.

Facebook Comments