Bagong barko ng PCG, dumating na sa bansa

67

Dumating na sa bansa ang BRP Melchora Aquino, ang pinakabagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Mayo 27 nang umalis ang barko mula sa Japan patungo ng Pilipinas.

Ayon kay PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, gagamitin ang barko sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea, Benham Rise, at sa pagresponde sa mga kalamidad.


Sinabi pa ni Balilo na pinangalanan ang barko na Melchora Aquino bilang pagkilala sa naturang bayani maging sa mga kababaihan sa bansa.

Facebook Comments