Bagong British coins na may mukha ni King Charles III, inilabas na sa publiko

45

Inilabas na ng United Kingdom ang bagong British coins na may mukha ni King Charles III.

Makikita sa nasabing 50 pence coins ang mukha ng bagong hari na nakaharap sa kaliwang bahagi.

Ang official portrait na inaprubahan mismo ni King Charles ay gawa ng Britsh sculptor na si Martin Jennings.


Magsisimula itong mag-circulate sa UK ngayong buwan ng Oktubre.

Nabatid na nasa 27 bilyon na coins na may imahe ni Queen Elizabeth II ang kasalukuyang umiikot ngayon sa UK at inaasahang hindi na magagamit sa mga susunod taon.

Facebook Comments