BAGONG BUCAS CENTER, ITATAYO SA MAPANDAN

Magkakaroon na ng bagong Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.
Ang nasabing BUCAS Center ay ikatlo sa buong Ilocos Region na layuning magbigay ng mas malawak na access sa serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Mapandan at mga kalapit na komunidad.
Sa isinagawang consultative meeting at strategic planning noong Enero 11, 2025 matagumpay ang pagsasakatuparan ng naturang proyekto.

Ayon kay DOH Region 1, Regional Director Paula Paz Sydiongco, nagsagawa na sila ng site visit at ocular inspection sa lugar kung saan itatayo ang BUCAS Center.
Dagdag ng Opisyal, magsisilbi umanong tulay sa pagitan ng mga primary care facilities gaya ng mga rural health units at mga higher-level hospitals ang BUCAS.
Magbibigay din umano ito ng mas mabilis na serbisyong medikal para sa mga minor surgeries at iba pang ancillary services upang hindi na kailangang pumunta pa sa malalaking ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments