Bagong calendar of activities para sa BSKE, inilabas na ng Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 2023.

Sa ilalim ng Resolution No. 10902, mag-uumpisa ang election period sa August 28 hanggang November 29 kasabay rin ng pagpapatupad ng gun ban.

Sisimulan naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa August 28 hanggang September 2.


Ipagbabawal ang pangangampanya sa September 3 hanggang October 18 habang sisimulan ang campaign period sa October 19 hanggang 28.

Pagsapit ng October 29 hanggang 30, bawal na ang pangangampanya at paiiralin na rin ang liquor ban.

Itinakda ang election day sa October 30 kung saan mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ang oras ng botohan.

Deadline naman ng paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa November 29.

Facebook Comments