BAGONG CANOPY SA WET MARKET NGSAN NICOLAS, IKINATUWA NG MGA MANLALAKO

Ikinatuwa lalo na ng mga vendors ang bagong canopy na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa ilang pamilihan sa nasabing bayan.
Bunsod ang aksyon ito sa sunod sunod na matataas na heat indices na naitatala sa lalawigan ng Pangasinan na naglalaro mula 42 hanggang 46 degrees Celsius.
Layon nitong maprotektahan mula sa init ng araw ang mga nagtitinda sa pamilihan maging ang mga mamimili, gayundin magiging kapaki pakinabang ito sa pagpasok ng maulang panahon sa bansa.

Mas makatutulong din ito upang mas mapagaan ang trabaho ng mga tindera sa bayan nang magpatuloy sa kanilang mga hanapbuhay at pagkakakitaan. |ifmnews
Facebook Comments