Napapakinabangan na ngayon sa bayan ng Manaoag ang bagong ininstall na mga CCTVs na pinasinayaan ngayong buwan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Municipal Mayor Jeremy Doc Ming Rosario, inilagay nila ang mga ito sa strategic at critical areas sa bayan.
Samantala, nasa 42 na CCTV ang makikita sa buong bayan kung saan mapapanood din ito live tuwing rush hours sa kanilang facebook page upang mamonitor ang traffic situation.
Malaking tulong ito upang mamonitor ang galaw ng mga sasakyan at publiko sa kanilang mga lansangan.
Pansamantala namang inilagay ang command center nito sa opisina ng mayor sa presidencia hall ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments