Bagong chairperson ng Securities and Exchange Commission, opisyal nang nanungkulan

Malugod na sinalubong ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang bagong itinalagang chairperson na si Atty. Francis Lim kahapon sa kanyang unang araw ng opisyal na panunungkulan.

Sa kanyang pagharap sa ceremonial welcome ng SEC, sinabi ni Lim na nais niyang resolbahin ang mga pending applications ng ahensiya at gawing mas simple ang mga proseso nang walang delay.

Si Lim ay isang senior legal counsel sa ACCRALAW na may karanasan sa securities at capital markets litigation, bankruptcy, insolvency, corporate rehabilitation, antitrust, at trade regulation.

Dati rin siyang nagsilbi bilang presidente at punong ehekutibong opisyal ng Philippine Stock Exchange mula 2004 hanggang 2010.

Facebook Comments