Bagong Chief Justice, magdadaos ng kauna-unahang pulong balitaan

45

Magdaraos ng pulong balitaan si Chief Justice Alexander Gesmundo sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maupo bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ang virtual press briefing ni CJ Gesmundo ay gagawin sa Biyernes, June 11, kasabay ng ika-120 taong anibersaryo ng Korte Suprema.


Ang tema ay “SC in focus: Towards a Technology Driven Judiciary”.

Mapapanuod din ang pulong balitaan ng live sa YouTube account ng Korte Suprema.

Si Gesmundo ay naitalaga bilang SC Chief Justice noon lamang Abril, kapalit ni dating Chief Justice Diosdado Peralta na maagang nagretiro.

Facebook Comments