BAGONG COMMANDER NG 702ND INFANTRY BRIGADE, PORMAL NA HINIRANG SA MANAOAG

Pormal nang hinirang si BGen. Ronald M. Bautista bilang bagong commander ng 702nd Infantry Defender Brigade ng Philippine Army sa isinagawang Change of Command Ceremony sa Camp Abat, Manaoag, Pangasinan.

Sa nasabing seremonya, itinurn-over ni Col. George M. Bergonia ang pamumuno kay Bautista, na kapwa miyembro ng Philippine Military Academy “Marilag” Class of 1995.

Binigyang-diin sa okasyon ang mahalagang papel ng brigada sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, at ilang bahagi ng Abra.

Kabilang sa mga aktibidad ang pagbasa ng mga kautusan, turnover ng unit symbol, at pagpaparangal sa mga piling opisyal.

Dumalo rin sa seremonya ang mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office at mga kinatawan mula sa iba’t ibang yunit ng Philippine Army at PNP sa rehiyon bilang pakikiisa sa bagong pamunuan.

Facebook Comments