Bagong community quarantine restrictions sa NCR Plus, dapat tapatan ng mahigpit na pagsunod sa health protocols

79

Ipinaliwanag ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na sa lahat ng desisyon ng gobyerno ay palaging isinasaalang-alang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nangunguna sa ating laban kontra COVID-19 at ng iba’t ibang mga eksperto na nais tumulong.

Diin ni Go, ang lahat ay binabalanse ng pamahalaan upang maproteksyunan ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino.


Ayon kay Go, ang layunin ng nakaraang Enchanced Community Qurantine (ECQ) na ipinatupad sa NCR Plus bubble ay upang limitahan ang galaw ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Palaging isinasaalang-alang ng Pangulo ang mga rekomendasyon ng IATF na nangunguna sa ating laban kontra COVID-19 at ng iba’t ibang mga eksperto na nais tumulong. Lahat po iyan ay binabalanse upang maproteksyunan ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino,” ani Go.

“Ang layunin ng nakaraang ECQ na limitahan ang galaw ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay nandiyan pa rin. May konting adjustments lang sa mga patakaran upang masigurong umaandar ang ekonomiya at hindi aabot sa punto na tuluyang mamatay ang kabuhayan ng mga tao,” dagdag pa ng senador.

Sabi ni Go, ngayong nagkaroon ng konting adjustments o itinaas na ito sa Modified ECQ upang masigurong umaandar ang ekonomiya, ay hindi nangangahulugan na magiging kampante na tayo.



Giit ni Go, kahit anupaman ang quarantine restrictions ang iimplementa ay mas importante pa rin ang disiplina, pag-iingat, at kooperasyon ng lahat.


“Kahit ano pa mang quarantine restrictions ang iimplementa natin, mas importante dito ang disiplina, pag-iingat, at kooperasyon ng lahat. Sumunod tayo sa mga itinakdang health protocols para maging matagumpay ang ating mga hakbang na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ating ekonomiya,” sabi ng mambabatas.

Kaya naman umaapela si Go sa lahat na sumunod sa mga itinakdang health protocols para magtagumpay ang mga hakbang na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ating ekonomiya.

Facebook Comments