
Kasado na ang bagong convergence initiative sa Bicol Region na may layong maprotektahan ang mga watershed kasabay ng pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Agrarian Reform Beneficiary (ARB).
Ang Talisay Watershed ay ang ikalawang convergence area sa rehiyon ng Bicol sa ilalim ng National Convergence Initiative for Sustainable Rural Development (NCI-SRD).
Sakop ng proyekto ang mga bayan ng Talisay, Daet, San Vicente, at Vinzons.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of the Interior and Local Government (DILG), binuo ang development plan nito.
Sa ilalim ng plano, mas mapakikinabangan na ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang mga likas na yaman—mula bundok hanggang dagat—habang pinoprotektahan ang kalikasan at pinalalakas ang kabuhayan ng mga mamamayan
Sa ilalim nito, ang mga ARBs ay mabibigyan ng access sa pondo, sa mga programa ng gobyerno, at pagsasanay sa tamang paggamit ng lupa para sa mas matatag at masaganang pamayanan.