Bagong COVID-19 case bulletin format, ilalabas ng DOH sa susunod na linggo

77

Simula sa Lunes, October 26, 2020 ay maglalabas ang Department of Health (DOH) ng bagong format para sa COVID-19 case bulletin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil lahat ng importanteng impormasyon ay nasa bagong format pa rin.


Aniya, nagpasya ang DOH na baguhin ang format ng case bulletin para mas maintindihan ng publiko ang update sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bagong COVID-19 case bulletin, magiging “one page” na lamang ito at mas “handy”.

Tiniyak naman ni Vergeire na ang iba pang impormasyon ay ilalathala o ilalabas sa publications ng DOH gaya sa kanilang tracker o COVID-19 Philippine Situationer.

Facebook Comments