Bagong COVID-19 variant na natuklasan sa Indonesia, wala pa sa Pilipinas – DOH

44

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang nakikitang bagong variant na nakapasok sa bansa.

Kasunod ito ng naitalang kaso ng bagong variant sa Indonesia na tinawag na “Eek.”


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa datos mula sa iba’t ibang ginawang genome sequencing ay wala pang nakikita na bagong variant sa bansa.

Gayunman, imo-monitor pa rin ng DOH, Philippine Genome Center (PGC) at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang sinasabing bagong variant

Facebook Comments