Bagong COVID-19 variant, nadiskubre sa Vietnam

40

Kinumpirma ni Vietnam Health Minister Nguyen Thanh Long na nadiskubre sa Vietnam ang isa na namang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa kay Nguyen, natukoy sa kanilang bansa ang hybrid na variant ng COVID-19 na kumbinasyon ng UK at Indian variant.


Ayon pa sa isang ulat, nabatid na mas mabilis na maipasa sa hangin ang nasabing hybrid na variant ng COVID-19.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 6,000 na kaso ng COVID-19 ang Vietnam habang halos 2,000 naman ang mga gumaling na sa sakit at nasa 47 na ang mga nasawi.

Facebook Comments