Bagong deliver na C-130 plane ng AFP, gagamitin agad sa paghahatid ng anti-COVID-19 vaccine

194

Sakto ang pagdating sa bansa ng una sa dalawang C-130 H aircraft na binili ng Pilipinas sa Amerika dahil magagamit agad ito sa paghahatid ng anti-COVID-19 vaccine kapag sinimulan na ang vaccination program ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos pangunahan ang pagtanggap at pagbendisyon ng eroplano kahapon sa 250th Presidential Airlift Wing Hanger sa Villamor Airbase.


Aniya, ang eroplano ay malaking tulong sa kasalukuyang fleet ng C-130 ng Philippine Air Force, na pangunahing ginagamit sa paghahatid ng mga kargamento at tropa para sa depensa, internal security operations, disaster-response operations at humanitarian missions.

Ipinagpasalamat naman si Lorenzana sa Estados Unidos ang tulong para makuha ng Pilipinas ang una sa dalawang C-130H aircraft sa ilalim ng US Security Cooperation Assistance Program.

Sa kabuuang presyong P2.5 bilyon, P1.6 na bilyon lang ang babayaran ng Pilipinas, at ang balanse ay sasagutin ng Amerika.

Facebook Comments