Bagong drug lord sa Western Visayas, mamamatay din, Pangulong Duterte

Mamamatay rin ang bagong drug lord sa Western Visayas.

Ito ang banta Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod city.

Ayon sa pangulong duterte,  sasapitin din ng bagong drug lord ang nangyari kay Malevin Odicta na pinagbabaril ng ilang kalalakihan sa Roxas City noong nakalipas na taon.


Gayunman, hindi pinangalanan ng pangulo ang nasabing drug lord.

Kasabay nito, inatasan niya ang ilang ahensya ng pamahalaan na pagbutihin pa ang pagtugis at operasyon laban sa mga taong sangkot sa illegal drug trade.

Kabilang sa mga naunang pinangalanan ng Pangulong Duterte na drug lord sa Visayas at Mindanao Region sina Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog at ang mga napatay na sina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog.

Facebook Comments