BAGONG FARE MATRIX SA MGA TRICYCLE SA SAN CARLOS CITY, INILABAS

Naglabas ng bagong fare matrix para sa tricycle ang Pamahalaang panlungsod ng San Carlos. Sa inilabas na fare matrix, nakasaad na nasa 20 pesos hanggang 45 pesos ang regular na pamasahe.
Sa kada barangay nakasulat ang regular na pamasahe , discounted fare na 20% para sa mga estudyante, pwds at senior citizens at 50% discounted fare para sa mga batang edad anim pababa. Dapat rin umano na hanggang apat na pasahero lamang ang sakay ng bawat tricycle.
Para sa ilang tricycle driver tulad sa barangay Bacnar, paano naman umano ang kanilang kita lalo at ramdam ang pagtaas ng mga produkto tulad ng petrolyo at pagkain.

Kung magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng petrolyo at iba pang pangangailangan ay maaari umanong makamit din ang mababang pamasahe.
Samantala, Hinihikayat ng opisina ng Sanggunian na isumbong ang sinomang hindi susunod sa ibinabang fare matrix. Kunin lamang ang plate number at sila na raw ang gagawa ng aksyon upang mapanagot ang mga hindi susunod sa ibinabang kautusan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments