Bagong Gusali ng TESDA Ilagan City, Papasinayaan Ngayong Araw!

*City of Ilagan, Isabela-* Nakatakdang pasinayaan ngayong araw ang dalawang bagong gusali ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Ilagan City, Isabela sa pangunguna ni TESDA Secretary Isidro Lapeña.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng RMN Cauayan mula kay Ginoong Pual Bacungan, City Information Officer ng City of Ilagan, papangunahan ni Sec. Lapeña ang ribbon cutting upang pasinayaan ang bagong buildings ng TESDA Ilagan na gagamitin ng mga mag-aaral na kukuha ng Technical at Vocational Courses.

Sa pagdalaw rin ng nasabing opisyal ay nakatakda rin nitong kakausapin ang mga tauhan at opisyal ng TESDA sa buong Lambak ng Cagayan upang ipaalam ang ilang mahahalahang bagay at impormasyon na dapat malaman ng mga mamamayan sa buong Rehiyon dos.


Samantala, ang pagdating ni Sec. Isidro Lapeña ay sinalubong ng mga matataas na opisyal ng TESDA sa Rehiyon II.

Facebook Comments